Sinasabi
nga, “we create our own destiny” … pero di sa lahat ng pagkakataon! Minsan hindi maawat ang tadhana sa pakikialam at pagpinta ng ating magiging kapalaran sa hinaharap. Ito ang prediksyong
posibleng magkatotoo at matupad sa nalalapit na panahon. Ito ay isa lamang gabay… sana’y huwag naming dibdibin
ng ilan! Kapalarang naghihintay sa piling miyembro ng RC Tritu Family (yung may mga open na aura, hahaha!) Lucky ba or disaster?
Abangan!
Simulan
natin sa dakilang pangulo, si Madam Majesty Pillas a.k.a Jet... magkakaroon siya ng
isang masaya at intact na pamilya at malki ang posibilidad na magtayo sila ng kanyang cute na asawa ng isang maliit na negosyo
na maykinalaman sa pagkain. In other words, karinderya o food chain na papatok sa taong –bayan lalo na sa mga driver
ng tricycle at pedicab. Heto pa ang mga may malakas na potensyal na makapagpatayo ng negosyo: sila Sarah at si Crystal…
kailangan lang pag-isipan nilang mabuti ang mga sisimulan nilang business. Si Mak naman ang magpapalago ng sinimulang negosyo ng kanyang mga tito at tita sa Cavite.
Habang abala sa business ang ilan… mamamayagpag naman sa larangan ng politika at public
administration ang palabang aktibistang si Jaime…sana lang huwag niyang gayahin ang mga kinukundina niyang tiwali
sa gobyerno.
Si Cariss ay magkakaroon ng banda na paniguradong makakagawa ng maraming “rock” at mga kabog na line up ng songs. Go gurl!!! Ang kanyang
utol na si Roxanne naman ay magiging graphic artist sa ilang magazine, sikat na broadsheets at magkakaroon ng serye sa dati
nang namamayagpag na comics. Si Marvi naman ay isa nang human o public
relations staff by that time sa isang tanyag na politiko na may malaking kompanya. Masusubok din ang kanyang galing sa pamamagitan
ng pagsali niya sa isang bigtime na patimpalak.
Magiging may-ari din si Ana
ng isang negosyong may kinalaman sa computer bago siya
tuluyang mag-asawa. Si Jezebel ay isang tagapayo ala Tiya Dely at posibleng pumalit sa yrono nito... Sana pati ang
tagal sa broadcast industry ay mamana nita rin kay Tiya Dely... Si Lorenz
ay isang huwarang anak kung kaya never pa siyang mag-aasawa kaagad, instead ibubuhos niya ang kanyang oras sa pagtatrabaho
bilang camera lady o kahit na anong trabahong may kinalaman sa creatives. Si Cybelle naman ay magsusulat ng maraming
nakaka-inspire na libro na siyang passion niya since highschool.
Sa larangan naman ng entertainment patok itong si Marlgurl na isang stand up comedian sa
ilang bar at makakapasok siya sa Kapamiya network bilang empleyado(bigtime!). Si Christian o Itchan naman ay isang event
specialist at sideline niya ang pagiging cheerdance instructor sa mga national
cheerleading competitons. Si JV naman ay singer sa mga sikat na bars at restaurants ngunit patuloy pa rin sa pag-abot
sa kanyang bituin (dream big!!) Isa namang researcher sa isang bigating kompanya si Gena habang si Lileth ay eenjoyin
ang pagtatrabaho sa likod ng camera sa isang maliit na media company. Si DJ TJ ay talagang magiging DJ TJ sa isang
youth-oriented radio program habang isang hindi matatawarang broadcaster naman si Odette dahil sa kanyang galing sa paghahatid-balita
kagaya ni MeAnne na isang mahusay na bahagi ng isang sikat na variety at magazine show sa TV (huwag niyo kaming kalimutang
batiin on-air ha...). Si Rommel ay isang empleyado naman ng isang bigating international establishment at magkakaroon ng maraming
datung dahil makakatamo ng mataas na posisyon bunsod ng kanyang sipag at dedikasyon sa pagtatrabaho. Si Lara naman ay isang
trendsetter sa mundo ng broadcast journalism. Magiging seryoso at nangangarir na scriptwriter naman si Tonet
sa isang network na hindi nauubusan ng mga teleserye at magazine shows. Si Cyrill bagaman maagang nakabuo ng pamilya ay isa ring working mom sa isang advertising company kagaya
ni Ghe na makakahanap naman ng trabaho malapit lang sa Pilipinas pero sa ibang bansa na habang pinapa-aral ang mga chikiting.
Isa namang in demand na website developer si Ayvee na magkakaroon ng
maraming raket dahil sa kanyang angking abilidad sa computer. Ano kaya kung magsosyo sila ni Ana,patok kaya?
Sila Edu at Monica naman
ay makakahanap ng swerte sa abroad. Si Edu ay magiging seaman at mawawalay sa mga anak upang maghanap-buhay overseas.
Si Monica naman magtatrabaho sa loob ng opisina after niyang matapos ang second course niya, malamang sa US o sa
Canada (pasalubong ha!!!) Si Juni ay sucessful din sa kayang tour around the world para maghanap ng magandang trabaho
in the future.
Dun sa ibang hindi matukoy ang hinaharap, abangan na lang ang next issue ng propesiya... Sa mga nandito, kayo pa rin
ang bahala at may contol over your life... kaya nga hula
lang eh... Basta, majority ay magiging matagumpay at fulfilled sa buhay!!! God speed!!!